Sa gitna ng gusot sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at transport groups, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos nagsalita na rin sa isyu.
Direktiba ng presidente sa DOTr, baguhin ang pamamaraan ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
“Sa issue sa modernization na sinasabi, sa aking palagay ay kailangan ding gawin talaga ‘yan. Ngunit sa pag-aaral ko, parang hindi maganda ang naging implementation nung modernization,” wika ni Marcos.
“Tingnan natin. Siguro kaya natin kausapin ang mga transport groups at sabihin natin hindi, babaguhin talaga namin para hindi masyadong mabigat sa bulsa ng bawat isa,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, mas magandang opsyon kung refurbishing at hindi total phase out ang ipapatupad para sa ilang mga sasakyan.
“What if the driver takes good care of his jeep? Then he can still use it as long as it’s still safe,” saad nito.
Umaasa si Marcos na sa kanyang iminungkahing inisyatiba, makukumbinsi niya ang mga drayber at operators na ipagpaliban ang kanilang binabalak na protesta.
“Kawawa talaga ang tao at marami pang naghihirap at mas lalo pang maghihirap ‘pag hindi makapasok sa trabaho,” konsern ng presidente.
Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy na naninindigan ang transport groups na itutuloy pa rin nila sa March 6 hanggang March 12 ang kilos-protesta kahit na naglabas na ng bagong sirkular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsasabing extended hanggang December 31 ang jeepney phase out.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.