Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang disqualification case laban kay Sen. Raffy Tulfo.
Ito ang naging desisyon ng Comelec en banc sa inihaing motion for reconsideration ni Julieta Licup Pearson para ikansela ang certificate of candidacy ni Tulfo noong 2022 senatorial race.
Sa siyam na pahinang resolusyon, hindi napatunayan ng mosyon ang mga sapat na ebidensya laban kay Tulfo at hindi rin napatunayan na labag sa batas ang unang desisyon ng pagbasura sa disqualification case ng First Division base sa Section 1, Rule 19 ng Comelec Rules of Procedure.
Ipinaliwanag pa ng Comelec en banc na wala na sa kanilang hurisdiksyon ang kaso matapos naiproklamang Senador si Tulfo noong Mayo 18, 2022.
Nasa hurisdiksyon na ng Senate Electoral Tribune (SET) ang lahat ng election contests ukol sa mga miyembro ng Senado.
Unang nabasura ang disqualification case laban kay Tulfo noong Marso 4, 2022.
Naghain muli motion for reconsideration si Pearson at nauwi nga sa sa pagbasura nito nitong Pebrero 28, 2023.
Recent News
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has further reduced its fee rates
Mandaluyong City – A lucky housewife from Bacoor City, Cavite has become the latest Super
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.