Muli na namang nalagay sa kahihiyan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos masangkot sa pagnanakaw ang isang screening officer habang naka-duty.
Hinuli ng mga awtoridad si Valeriano Ricaplaza Jr., screening officer sa ilalim ng Office for Transportation Security ng NAIA Terminal 1, matapos niyang nakawin ang relo ng isang Chinese national na si Sun Yuhong.
Sa isang pahayag, sinabi ng OTS na inireklamo ni Sun na nawala ang kaniyang relo matapos dumaan sa screening machine. Mariin namang itinanggi ni Ricaplaza na nasa kanya ang nawawalang item.
Sa ginawang CCTV footage review ng mga awtoridad ng OTS, positibo nilang nakita ang pagkuha ni Ricaplaza sa relo ng turista.
Samantala, kinondena naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga insidente ng pagnanakaw sa NAIA na kinasasangkutan ng mga security screening officer.
“We condemn such unscrupulous acts, which smear the trust and integrity required of public servants. These actions have negative consequences for the airport, its stakeholders and the country as a whole,” ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.