Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na baguhin ang pamamaraan ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) matapos magbanta ng isang linggong tigil-pasada ang mga transport group bilang protesta.
“Sa issue sa modernization na sinasabi, sa aking palagay ay kailangan ding gawin talaga ‘yan. Ngunit sa pag-aaral ko, parang hindi maganda ang naging implementation nung modernization,” wika ni Marcos.
“Tingnan natin. Siguro kaya natin kausapin ang mga transport groups at sabihin natin hindi, babaguhin talaga namin para hindi masyadong mabigat sa bulsa ng bawat isa,” dagdag ng Pangulo.
Sa palagay ni Marcos, mas magandang opsyon aniya kung refurbishing at hindi total phaseout ang ipapatupad para sa ilang mga sasakyan.
“What if the driver takes good care of his jeep? Then he can still use it as long as it’s still safe,” ani nito.
Umaasa si Marcos na sa kanyang iminungkahing inisyatiba, makukumbinsi niya ang mga drayber at operators na ipagpaliban ang kanilang binabalak na protesta.
“Kawawa talaga ang tao at marami pang naghihirap at mas lalo pang maghihirap ‘pag hindi makapasok sa trabaho.”
Matatandaang nag anunsyo kamakailan ang mga transport group ng isang linggong tigil-pasada simula March 6 bilang protesta sa nalalabing PUV modernization program kung saan nakatakdang i-phase out ang mga traditional jeepneys sa katapusan ng Hunyo.
Recent News
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has further reduced its fee rates
Mandaluyong City – A lucky housewife from Bacoor City, Cavite has become the latest Super
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.