Diretsahang tinanggihan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ng pinapanukala ng Kongreso na bigyan sya ng “special powers” para tugunan ang inflation o ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Ayon sa presidente, kumpyansya sya sa kaniyang kakayahan na resolbahin ang problemang kinakaharap ng ating bansa.
“I do not think that it is necessary to ask for special powers… I have already the power to declare an emergency and to control the prices of commodities. So I don’t think there is any need for more than that, that is sufficient.” ayon kay Marcos.
Ganunpaman, sinabi ng pinuno ng bansa na mas positibo ang pananaw natin kumpara sa Central Bank. Subalit hindi nya inaalis ang posibilidad na posibleng tumaas pa ang inflation.
Bagamat hindi kontrol ng pamahalaan ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin tulad ng langis, hinikayat naman ni Marcos ang publiko na isa sa mga paraan para matugunan inflation ay ang pagtatanim sa bakuran o barangay-based urban farming.
“Wala tayong magagawa sa fuel. Wala tayong magagawa doon sa mga iba’t ibang inputs, pero yung sa agrikultura— kung titingnan ninyo, you disaggregate the inflation figures, noong nakaraan, it was 28 percent was agriculture, eh. Ngayon 11 percent na lang so yun ang malaking bagay.,” saad ng pangulo.
Sa naunang pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang mananatiling mataas ang inflation ngayong buwan na inaasahang maglalaro sa 8.5% hanggang 9.3% ang magiging inflation rate sa bansa. Kumpiyansa naman ang Pangulo na masusuportahan ng mga programa ng pamahalaan ang tumataas na presyo ng bilihin.
Ilan sa mga programa ng Department of Agriculture (DA) ang “Kadiwa ng Pangulo” program, kung saan
mas mura ang presyo ng bilihin dahil direkta ito mula sa magsasaka ganundin ang urban farming project na naglalayong magkaroon ng lokal na produksyon ng mga prutas at gulay sa mga siyudad.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.