Mas humahanga at naniniwala ako sa formula ng bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kumpara sa kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Si Major General Edgar Alan Okubo kasi, crime prevention, crime mitigation at crime solution. Hindi palabra, hindi porma, hindi papogi. Hindi mema.
Kakaupo palang, malinaw na ang direktiba. Ginawa niyang yardstick o panukat ang NCRPO, “If the PNP fails in the National Capital Region then, in the eyes of the people, the PNP is a failure in general. I must say that the NCRPO is a show window of the entire PNP…”
Maganda ang hangarin ni Okubo. Pulis ang bababa sa mga komunidad,” It is my desire that our men in NCRPO will go down to the community and implement the revitalized police in the barangay. Let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police [are].”
Tama! Yan ang pulis! Dapat naman talaga na ang pulis ay madaling lapitan, madaling hanapin at madaling puntahan. Bumababa sa mga komunidad, nakikita at nararamdaman. Matagal ko nang sinasabi ito sa aking programa.
Ganito ang mga pulis sa Estados Unidos na idinu-dokumento namin sa US Cops. Nakikita at ramdam ng mga tao ang kanilang presensya sa lansangan. Gumagana ang Central communication system o 911 kaya mabilis silang nakakaresponde sa bawat krimen na itinatawag.
Kahapon, nagsalita si DILG Sec. Benhur Abalos. Reresolbahin daw ng Philippine National Police (PNP) ang mga insidente ng mga pagpatay. Ang plano ng DILG at PNP, palakasin ang paggamit ng teknolohiya kontra kriminalidad, tingnan ang mga batas sa bentahan ng sasakyan at mag-recruit pa ng maraming papasok sa pulisya.
With all due respect, you are full of theories, Sec. Abalos! Please do not reinvent the wheel. The wheel is perfect circle, don’t make it an oblong.
Bago ang crime solution, una muna ang crime prevention at crime mitigation.
Yung isa, base sa reyalidad. Yung isa puro teyorya.
Kayo na ang bahalang bumalanse!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.