“Hindi ako makahinga, halos hinahabol ko ‘yung hininga ko. Parang ‘yung hinga mo, dumadaan sa butas ng karayom o halos ‘di mo na masundan ‘yung hininga mo.” Ganito ilarawan ni ng ginang na si Isabelita Arnoco ang kaniyang pakiramdam sa tuwing susumpungin ng hika o asthma.
Nakilala ng Bitag ang 63-years old na shoemaker sa Marikina na si Aling Isabelita. Ibinahagi niya sa BITAG ang mga hirap na nararamdaman kapag biglaan siyang sinumpong ng kaniyang hika.
Hindi niya akalain na ang minamahal na trabaho ang siyang magdudulot sa kaniya ng karamdamang ito.
“Taong 1990 noong ako’y magkasakit ng asthma. Sabi ng doktor, nakuha ko daw ito sa aking trabaho kung saan palagiang nagdadasdas ng materyales. Yung alikabok daw noon nalalanghap ko na,” kuwento ni Aling Isabelita.
Umaabot daw sa limang pares ng sapatos sa isang araw ang kayang gawin ni Aling Isabelita sa isang araw sa pinagtatrabahuan shoe factory sa Marikina.
At dahil sa araw-araw at tuloy-tuloy na ginagawa sa paggawa ng sapatos ay lumala ang kaniyang asthma. Nahinto si Aling Isabelita sa pagtatrabaho dahil sa tuloy-tuloy ring pag-atake ng kaniyang hika.
Paliwanag ng isang espesyalista, “ang Asthma o hika ay isang sakit na nakakaapekto sa iyong baga. Ito ay nagdudulot ng wheezing, breathlessness, higpit ng dibdib, at pag-ubo sa gabi o maaga sa umaga.”
Pangkataniwan at pangmatagalan sakit ang hika o asthma ng mga bata. Subalit, maaari pa ring magkaroon nito ang mga matatanda na.
Payo ng doktor kay Aling Isabelita, umiwas na sa mga maalikabok na lugar. Lumayo din sa usok ng sigarilyo dahil isa ito sa mga nagti-trigger ng Asthma.
Dahil nahihirapang huminga sa tuwing aatakihin ng hika, pinayuhan siyang maghanda sa lahat ng oras ng inhaler at nabulizer.
Babala ng doktor, “kung ikaw ay asthmatic, tandaan na maraming paraan para maiwasan ang asthma at ang paglala nito. Ang unang pamamaraan ay ang pag-iwas sa mga sanhi ng asthma tulad ng matinding usok, malamig na hangin, at mga bagay na may malakas na amoy.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.