Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko, huwag munang kumain ng mga lamang-dagat mula sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Sa pagbisita ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Oriental Mindoro, sinabi niya na dapat din na iwasan ng mga residente ang paglangoy sa dagat na kontaminado ng pagtagas ng langis. Hinimok rin ng opisyal na pansamantalang lumikas ang mga residente dahil sa mga posibleng epekto nito sa kalusugan.
“Pinapaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga mamamayan ng kung ang lugar ng oil spill ay malapit sa inyong tirahan, mas mainam kung tayo ay humanap ng pansamantalang matitirahan habang ito ay hindi pa nakakalap,” pahayag ni Vergeire.
“Huwag gumamit ng tubig na kontaminado ng langis para sa pagkonsumo ng mga tao o hayop. At huwag kumain ng isda, molusko, at iba pang pagkaing-dagat na nahuli sa lugar malapit sa oil spill” dagdag pa nito.
Base sa monitoring report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 13 bayan na ng Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill. Ito ang mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulacacao. Tinatayang 10,362 pamilya o 48,885 ang mga apektado.
Patuloy naman ang isinasagawang disaster forensic at clean up operations sa karagatan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang iba’t ibang mga ahensya at kumpanya.
Ang langis na mabilis na kumalat sa dagat at baybayin ng Mindoro at mga karatig-probinsya ay mula sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress noong Pebrero 28.
The DENR Environmental Management Bureau-Mimaropa office continues its cleanup operations using locally available oil-absorbent materials.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.