Nanawagan ang mga senador sa Philippine National Police (PNP) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na tugunan at wakasan na ang karahasan laban sa mga pulitiko.
Sa inihain na resolusyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, kailangan gumawa ng mga hakbang ang kapulisan sa pagtiyak ng kaligtasan at maibigay sa mga biktima at kanilang mga pamilya ang hustisya.
Sa loob ng 15 araw, mula Pebrero 17 hanggang March 4, sunod-sunod na insidente ng pagpatay at pag-atake sa mga high profile politicians ang naganap, pinakahuling nasawi si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Pabor at lumagda sa resolusyon ni Villanueva sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Bato dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Francis Tolentino at Mark Villar.
Hinikayat naman ni Sen. Imee Marcos ang kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of calamity sa Negros Oriental upang maiwasan ang posibleng pag-usbong pa ng mga karahasan at mapabilis ang pag-aresto sa mastermind.
Samantala, tila hinamon naman ni House Speaker Martin Romualdez si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na aksiyunan ang madugong pamamaslang kay Gov. Degamo na ikinasawi din ng siyam pang katao.
Maituturing na malaking sampal sa mukha dahil naganap ang krimen in “broad daylight” sa loob mismo ng bakuran, at sa harapan pa ng maraming tao.
Matatandaan nagpatawag ng emergency meeting kamakailan si Romualdez kay Azurin at Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos dahil sa high profile attacks.
“Kailan lang, siniguro sa akin ng PNP Chief sa meeting namin na gagawin nila ang lahat para matigil ang mga patayan na nangyayari sa ating bansa. I hold him to his word. Tulad ng mga kababayan natin, ayaw kong mawalan ng tiwala sa ating kapulisan,” sabi ni Romualdez.
Gayunman, naniniwala si Romualdez sa magiging aksyon at imbestigasyon ng PNP upang matuldukan na ang patayan sa bansa.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.