Naging matensyon ang isinasagawang clearing operation ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong Byernes, Pebrero 3 sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y matapos sugurin nina Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano at 3rd District Representative Joel Chua ang operasyon ng MMDA sa M. Natividad Street sa nasabing lungsod. Ayon sa dalawang mambabatas, “abuse of power” ang ginagawang ito ng MMDA. Wala daw kasing koordinasyon ang MMDA sa nasabing operasyon.
Mariin naman itong itinanggi ni Joel Polliarco, ang team leader ng nasabing operasyon. Paglilinaw nya, mayroon silang permit at nakipag-ugnayan din sila sa Manila Traffic and Parking Bureau at walong barangay na sakop ng operasyon.
Umapela din si Polliarco sa mga mambabatas na unawain ang MMDA na layon lamang nilang ang mabigyan ng kaayusan ang Maynila.
Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo, nanawagan si Chua sa Kongreso na buwagin na ang MMDA. Panggulo lang daw ang ahensya dahil nanghihimasok sa hurisdiksyon ng local government units (LGUs) at national government agencies.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.