Isang liham ng pasasalamat ang natanggap ng BITAG ngayong umaga, March 6, 2023.
Ang sulat ay mula sa People’s Television Employees Association (PTEA), isang kilalang union ng People’s Television Network, Inc. (PTV-4).
Ang pasasalamat ay kaugnay sa isyu na isiniwalat ni Mr. Ben Tulfo sa kanyang news and analysis program na BITAG Live patungkol sa driver sa PTV-4 Davao na si Roger Fernandez.
Ayon sa unyon, nagbigay daan ang programang BITAG Live para malaman ng publiko ang totoong kalagayan ng mga karaniwang empleyado sa PTV-4, lalo na sa mga probinsya.
Matatandaang ipinarating ni Roger sa BITAG ang pagpapabayang ginawa ng kanya ng PTV-4 matapos niyang masangot sa isang vehicular accident, kung saan aksidente siyang nakabangga ng isang motorista.
Umabot sa P50,000 ang bill ng rider na naospital. Sinubukan ni Roger na humingi ng tulong sa PTV-4 Davao ngunit base sa payo ng isang opisyal ay walang pananagutan ang PTV-4 sa nangyaring aksidente.
Walang nagawa ang pobreng si Roger kaya isinanla niya ang kanyang ATM sa isang lending company.
Sa P12,800 na sahod bilang (contract of service) COS, anim na libo dito ay binabawas pambayad ng utang, ang P5,000 natitira sa kanyang sahod ay hindi sapat kaya tuwing day-off ni Roger ay namamasada ito bilang taxi driver.
Labis ang galit na naramdaman ni Mr. Ben Tulfo nang makarating sa BITAG ang sinapit ni Roger, kaya naman agad itong nanawagan sa kanyang program na BITAG Live sa mga matataas na opisyal na kasalukuyang nakaupo sa PTV-4.
“Kayo dyan sa PTV-4, board of directors, do you still have the face? Sabi nga ni President Benigno Aquino III, ‘saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha’ bakit hanggang ngayon kapit-tuko pa rin kayo, saan kayo kumukuha ng tibay ng loob at sikmura at andyan pa rin kayo? Hindi ba kayo nahihiya sa mga balat ninyo” panawagan ni Mr. Ben Tulfo sa kanyang programa.
Samantala, ayon sa PTEA tutulungan nila si Roger Fernandez sa pamamagitan ng isang “Fundraising Campaign”.
“Ito ay gagawin hindi lang bilang isang union kundi bilang tao at tulong po sa aming kasamang si Roger ng PTV Davao, para matulungan natin ang kasamahan nating COS, at pagkondena sa di makataong trato ng mga kinauukulan sa mga empleyado, higit sa lahat sa mga COS” ayon sa sulat na ipinadala ng grupo sa BITAG.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.