Hindi napigilan ilabas ni Senator Raffy Tulfo ang pagkadismaya sa nangyari pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa paghain ng Senate Resolution No. 517 kung saan kinokondena ng mga senador ang political killings, sinabi ni Tulfo na napigilan sana ang karumaldumal na pagpatay sa gobernador kung hindi nagkulang sa intelligence report ang mga awtoridad.
“Matagal nang nakakatanggap ng death threat si Governor Degamo, kung siya ay nakakatanggap ng death threat dapat binigyan siya ng maayos na seguridad.”
Nagpaabot din ng pakikiramay si Sen. Tulfo sa mga naulila ng gobernador at nagpasalamat sa mga pulis dahil sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Gayunpaman, binigyan diin ng senador na kung meron sana police presence sa bahay ng gobernador, naprotektahan sana ang opisyal at mga inosenteng sibilyan.
“Paulit ulit na nangyayari ito in the past few days, sunod sunod ang pag assassinate sa mga taong gobyerno, alam ng mga kinauukulan kung sino ang mga suspek. Itong nangyari ngayon kay Gov. Degamo alam na alam ng lahat pati ang pusang kalye alam kung sino suspek pero bakit wala pa din ginagawa ang awtoridad.
Umaasa si Tulfo na gagawin ang lahat Philippine National Police (PNP) upang mapaamin ang mga nahuling suspek at sabihin kung sino ang mastermind.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.