Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang mga impormasyon na maaaring makapagturo sa mastermind ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na mismong mga pamilya ng mga suspek ang nagbigay sa kanila ng mga impormasyon sa posibleng pagkakakilanlan ng iba pang mga sangkot sa pagpaslang. “May mga material information tayong nakuha dito sa mga arrested suspects na magagamit natin para possible matukoy ang mastermind dito sa kaso na ito involving si Gov. (Roel) Degamo,” ayon kay Fajardo.
Hindi naman pinangalanan ni Fajardo ang dalawang suspek na nagbigay sa kanila ng mga impormasyon. Salamantala, dinala na kahapon sa Camp Crame Custodial Center sa Maynila ang apat na suspek at walong iba pa. Dalawa sa mga ito isinurender sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magbigay ng salaysay at sinusuri kung mapapabilang sa witness protection program (WPP).
Ang dalawa namang sangkot ay nanatili sa Camp Crame ng Philippine National Police (PNP) custodial facility at nagpahayag umano na makipagtulungan sa kaso.
“Para maproteksyunan din yung kaligtasan ng mga suspects na nasa custody natin ay inilipat na sila dito sa Custodial Center ng PNP,” ani PNP spokesman Col. Jean Fajardo
Bagamat nagpahayag na ng kanilang “extrajudicial confession”, ayaw naman magsiguro dito ng Department of Justice.
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano masyado pang maaga na paniwalaan ang mga kumpisal ng mga suspek. Patuloy pa daw kasi na pinaghahanap ang iba pang mga sangkot.
Umaasa ang DOJ sa mga impormasyong makakalap ng NBI upang matukoy ang middleman at mastermind sa krimen.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.