BRUTAL ang ginawang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel De Gamo.
Sadyang nilusob, pinatay ang gobernador kasama ang kaniyang mga security, maging ang mga taong pumipila umano sa 4P’s.
Malinaw ang kultura ng kawalan ng batas at pamamayagpag ng mga kriminal sa mga komunidad partikular sa mga probinsiya.
THE culture of lawlessness and the breakdown of the law and order is going to be the reality particularly in the provinces because of provincial politics.
Bakit nga ba? Ito’y dahil sa mga uri ng pulitika sa probinsya ng mga political warlords gamit ang kanilang mga private army na sadyang binuo.
Kasabay nito, ang mga piskal, hudikatura na kabakas na nila. Yuko sa kanila sa dahilang manganganib ang pati ang kanilang mga buhay.
Kaya naman pati mga abogado, piskal at huwes pinapaslang na ring parang mga manok.
Hindi na tinatanong ng mga residente ng probinsiya kung sino ang nasa likod. Alam na alam nilang kagagawan ito ng mga political warlords.
Ito ang hubo’t-hubad na katotohanan na dapat makita ng publiko.
A-28 ng Pebrero, araw ng Martes sa aking programa sa telebisyon na BITAG Live, ako’y nagbigay ng babala sa DILG at sa PNP hinggil sa “police visibility”. Nagwarning na ako sa mga posibleng mangyari.
Sinang-ayunan ko ang sinabi ni bagong NCRPO Chief Maj. Gen. Edgar Allan Okubo na let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police [are].”
Nakikinita na ni Gen. Okubo na kapag naibalik ang respeto at tamang pamantayan sa mga pulis sa pamamagitan ng NCRPO, ito ang magiging panukat sa buong Pambansang Kapulisan.
Apat na araw ang makalipas, nangyari na ang massacre sa Negros Oriental sa tahanan ng gobernador ng probinsiya.
Kaya ngayon sa opinyon ko, hindi natin kailangan ‘yung mala-pastor na pinuno na nagsasabing “be kind to criminals, they have rights.”
At isa pang chuwariwa-riwap na dakdakero na pinuno ng DILG na ‘di maintindihan ang gustong gawin at mangyari – puro lang naman pa-epal.
Uulitin ko mula sa aking February 28, 2023 broadcast kung hindi niyo napanood: we need to have a joint intel of military and police.
There must be a database of politicians with private armies as well as database of their armory and capabilities to go head on with the law enforcement and military.
And, identify provincial hotspots that will become the flashpoint of conflicts and killings between political opponents and their supporters.
I’m sorry mga Boss, nothing personal. You guys are doing your job but I’m also a professional, just doing my job.
I will speak about the naked truth and from what I see, I will say it. Unfiltered!
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.