Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Filipino overseas workers (OFW) na mapapaso na ang kontrata sa kanilang mga employer.
Ayon sa Immigration, sila ang target ngayon ng mga sindikato ng human trafficking. Ibinunyag ito ng ahensya matapos nilang madiskubre ang nangyari sa dalawang OFW na biktima ng human traffickers.
Base sa sumbong ng mga biktima, pinangakuan sila ng trabaho bilang call center agents sa Thailand habang nagtatrabaho pa sila sa United Arab Emirates (UAE). Nahikayat sila sa alok na P48,000 na sahod kada buwan.
Subalit nang makarating sa Thailand, dinala daw sila sa katabing bansang Myanmar at doon pinagtrabaho bilang mga crypto scammers.
Matatandaan noong nakaraan buwan, sunod-sunod ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nakaranas ng mga pang aabuso mula sa sindikato ng human trafficking
Muli namang nagbabala ang Immigration na huwag agad maniniwala sa mga trabahong inaalok sa social media at sa halip ay mag-apply at dumaan sa Department of Migrant Workers (DMW).
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.