Aangat sa 59-kilogram division si Filipino weightlifting superstar at Tokyo Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo para sa 2024 Paris Olympics.
Mula sa 55kg, maglalaro sa mas mabigat na timbang si Diaz matapos alisin ang kanyang dating kategorya sa programa ng nalalapit na Summer Games.
“Sobrang hirap kasi parang magii-start uli at maglalaro ako sa 59 [kg division] so I have to gain weight, gain muscle, gain strength so parang back to zero,” wika ni Diaz.
Determinado aniya si Diaz na makuha ang kanyang ikalawang gintong medalya sa Paris Olympics. Subalit bago pa ito, kakailanganin niya munang dumaan uli sa mga qualifying games sa 59kg division ngayong taon.
“It will be [the] Olympics again next year, I’ll do everything to bring home the gold medal (again),” ani nito.
Nakatakdang sumabak ang Zamboangeña sa 2023 Asian Championships na gaganapin mula May 3 hanggang 13 sa Jinju, South Korea.
Sa torneyong ito, makakalaban ni Diaz ang isa pang Filipino weightlifting ace na si Elreen Ann Ando ng Cebu na kasama niyang inirepresenta ang bansa noong nakaraang 2020 Tokyo Olympics.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.