Dalawang Filipino mixed martial arts (MMA) fighter ang sasabak sa umaatikabong bakbakan sa ONE Fight Night 9 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na April 22.
Nakatakdang makaharap ni Jhanlo “The Machine” Sangiao sa three-round bantamweight bout ang Argentinian at submission artist na si Matias “El Rasta” Farinelli.
Si Sangiao at Farinelli ay parehong may malinis na 5-0 win loss record.
Ang dalawa ay nakatakda sanang unang magharap noong nakaraang Disyembre sa ONE 164: Pacio-Brooks subalit hindi ito natuloy matapos magpositibo ng Argentinian fighter sa COVID-19.
Dahil dito, nakatapat ni Sangiao ang kababayan na si Anacleto “L.A” Lauron kung saan nakatanggap siya na $50,000 bonus sa kanyang pagkapanalo.
Samantala, makakasubukan naman ni Denice “The Menace” Zamboanga sa women’s atomweight division ang Brazilian Fighter na si Julie Mezabarba.
Si Zamboanga ay mayroong MMA professional record na 9-2 kung saan huli itong lumaban at nagwagi kontra kay Lin Heqin ng China noong Disyembre nakaraang taon.
Ang main event ng ONE Fight Night 9 ay pangungunahan ng bakbakan sa pagitan ng dalawang Muay Thai supertar na sina Nong-O Hama at Jonathan Haggerty.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.