Hinalughog ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang bahay ni 3rd District Rep. Arnolfo Teves kaninang umaga
Tinungo ng mga awtoridad ang tatlong bahay na pag-aari umano ng Kongresista sa Barangay Malabugas, Bayawan City sa bisa ng limang search warrant na iginawad ng korte sa mga awtoridad.
Lumutang ang pangalan ni “Cong Teves” matapos itong ikanta ng mga suspek na siyang umanong nag-utos sa kanila na paslanging si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Dagdag pa ng mga suspek, na wala silang alam na si Degamo pala ang target ng assassination plot.
Samantala, nanindigan naman ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na wala umano siyang kinalaman sa naging pamamaslang kay Gov. Degamo, gayundin sa iba pang krimeng ibinabato sa kanya.
Ayon sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi nagtatago ang kanyang kliyente at matagal nang naka-schedule ang kanyang pagpunta sa Amerika para magpagamot.
Hindi naman nasabi kung kailan makakabalik ng bansa ang kongresista ngunit ayon sa travel clearance, hanggang March 9, 2023 lamang ang palugit nito.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.