Hinalughog ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang bahay ni 3rd District Rep. Arnolfo Teves kaninang umaga, Marso 10.
Sa bisa ng limang search warrant na iginawad ng korte sa mga awtoridad, tinungo nila ang tatlong bahay na pag-aari umano ng Kongresista sa Barangay Malabugas, Bayawan City.
Lumutang ang pangalan ni “Cong Teves” matapos siyang ikanta ng mga suspek na siya umano ang nag-utos sa kanila na paslanging si Negros Oriental Governor Roel Degamo.Dagdag pa ng mga suspek, na wala silang alam na si Degamo pala ang target ng assassination plot.
Samantala, nanindigan naman ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na wala siyang kinalaman sa naging pamamaslang kay Gov. Degamo, gayundin sa iba pang krimeng ibinabato sa kanya.
Ayon sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi nagtatago ang kanyang kliyente at matagal nang naka-schedule ang kanyang pagpunta sa Amerika para magpagamot.
Hindi naman nasabi kung kailan makakabalik ng bansa ang kongresista ngunit ayon sa travel clearance, hanggang March 9, 2023 lang ang travel leave nito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.