Pangungutang ang unang takbuhan kapag nangailangan ng pera ang karamihan.
Maaaring emergency ang dahilan o kinapos sa budget na pinaglaanan. Pero ang masaklap, ‘yung pantustos sa mga luho o hindi importanteng mga gastusin.
May mangilan-ngilan, ginawang bisyo na ang pangungutang. Tila hindi mabubuhay kapag walang pinagkakautangan.
Lalo na itong estilo ng mga Online Lending Applications o OLA. Madaming sinasarapan dahil sa ilang pindot at minuto lang ay makakautang ka na ng pera.
Gaya ng isang ginang na humingi ng tulong sa #ipaBITAGmo. Nais niyang magkaroon ng isang maliit na hanapbuhay subalit wala siyang pang-capital kaya sa OLA nangutang.
Ang problema, hindi isa, hindi dalawa, hindi 5 OLA ang kaniyang inutangan kundi dalawampu’t isa (21).
Ang kaniyang sistema, mangungutang sa isang OLA para may maipambayad sa unang OLAng inutangan.
Babala, dahil ito ang kanilang patibong. Madaliang pagpapautang na may malaking interes at pambababoy sa nangutang.
Kapag ika’y nagipit at sa OLA lumapit – siguraduhing makakapagbayad ka sa tamang oras. Dahil kung hindi, matinding pambabalahura ang aabutin mo.
Kung hindi kasi mataas na interes, ang matinding pananakot, pamamahiya, pagbabanta, panlalait mula sa mga OLA collector kapag hindi ka tumupad sa petsa ng pagbabayad. Umpisa na ng miserable mong buhay.
Ganito ang sinapit ng isa pang ginang na lumapit sa #ipaBITAGmo. Isang OLA lamang ang kaniyang inutangan, nadelay sa pagbabayad kaya ang kaniyang inosenteng anak ang pinagbalingan ng putok sa buhong mga OLA Collector.
“Inosente ang anak mo, ‘di dapat nadadamay sa ganyan. Ang utang mo, utang mo, ‘di pambayad ang anak mo,” galit na pahayag ng program host na si Ben Tulfo.
Ayon sa Spokesperson ng PNP Anti-Cybercrime Group na si P/Lt. Michelle Sabino, mali at isang krimen ang pamamaraan ng paniningil na ito ng mga OLA collector. “We understand may na may mga utang. Kapag may utang, dapat magbayad. Pero ‘yung maling pamamaraan ng paniningil which is ‘yung sangha-harass sa mga tao, ‘yun ang nagiging violation nila,” ani ni P/Lt. Sabino kay Tulfo.
“Mag-ingat ang mga kababayan natin as much as you want to loan, madali sa inyo ang kumuha niyan, pero ‘yung mga nakikita niyo sa social media, ‘yan ang bago nating bantayan,” paalalang iniwan ng PNP Anti-Cybercrime.
May payo naman ang Resident Lawyer ng BITAG na si Atty. Batas Mauricio sa publiko. Aniya, “kahit na walang parusang pagkakakulong sa mga umuutang, obligado pa rin ang umutang na bayaran ang kaniyang inutang dahil mayroon pa ring civil case na maaaring isampa laban sa ‘di pagbabayad ng utang. Kaya naman gumawa pa din ng paraan na makapagbayad upang huwag masira ang kredibilidad nito at huwag na umabot pa sa pagsampa ng kaso.”
Ilang online lending agents, collectors at company na ang nakipagsubukan at naipasara ng BITAG.
Sino ang susunod?
Hangga’t patuloy na may tumatangkilik sa serbisyo ng OLA, patuloy at titindi rin ang estilo ng kanilang pangongolekta at pambabalahura sa mga nangungutang.
PANOORIN ang buong detalye ng sumbong na ito at matuto:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.