NABABAHALA daw ang mga pulitiko natin ngayon sa kongreso at senado hinggil sa kanilang pansariling seguridad matapos mapatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Sino ba namang hindi mababahala sa pamamaraan at taktika ng pamamaslang na nakita ng publiko mula sa nakuhanan ng CCTV.
Hindi natin sila masisisi sa kanilang mga pagkabahala, takot at walang katiyakan.
Dahil sa kanilang mga isip, kung nagawa kay Gov. Degamo ang malagim na trahedya ay posibleng ganundin ang pamamaraan at taktika ng pamamaslang na gagawin sa kanila.
Hindi lang mga pulitiko. Kahit sinong mamayan ay may karapatang mabahala at matakot.
Subalit sa ngayon, hindi takot at pagkabahala ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating mga pulitiko.
Para naman kasi kayong bago sa pinasok niyong propesyon at industriya. Tigilan na ang pagiging inosente at ignorante – this is Philippine politics.
Dapat bulabugin, yanigin niyo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kung ano ang kanilang magiging hakbang para
maiwasan ang ganitong uring krimen.
Hindi lang para maproteksiyunan kayo kundi ang publikong tinatawag niyong “BOSS” niyo.
Gusto niyo ng tips? Una, paigtingin ang inyong mga seguridad. Mga licensed security na namomonitor ng PNP ang kunin niyo- ipagbawal ang pagbuo ng private army.
Ang iba kasing pulitiko, nabuhay sa private army kaya minsan, ang mga kapwa private army din ang nagiging katunggali.
Pangalawa, paigtingin ang law and order sa inyong komunidad. ‘Yung mga pulis natin diyan na nasanay sa mga pulitikong mga galante — as in the highest bidder who can give a better security.
Pero ang iba sa kanila, highest bidder din kung sinong tatargetin at pa-project-in. Dirty politics ang tawag dito, only in the Philippines!
Pangatlo, turuan ang komunidad na maging marites at tolits pagdating sa pagbabantay ng komunidad.
Set up a community watch pababa sa neighborhood watches sa pamamagitan ng mga magagalang mata at makakating dila.
Hindi ‘yung nabubuhay kayo sa tsismis at pagbabantay sa takbo ng buhay ng iba tulad ng mga artista, personalidad at pulitiko.
Usisain niyo kung sino ang may mga private army at may mga banta. Alamin niyo kung sino ang bagong lipat na kapitbahay sa mga subdivision at may mga private army.
Kung sa araw tulog, sa gabi gumagala, aba magduda na kayo. Eto ‘yung mga dapat niyong bantayan.
Kaya nga community watch — ang ibig sabihin ay vigilance.
Pagkakataon na ng mga marites at tolits sa inyong lugar na magamit ang kanilang abilidad para maging kapaki-pakinabang sa komunidad.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.