Marami ang kumondena sa pagkamatay ng Adamson University engineering student na si John Matthew Salilig dahil umano sa fraternity hazing.
Ang nakakalungkot na katotohanan, marami pang ibang pamilya ang patuloy na sumisigaw ng hustisya para sa kanilang mga kaanak na naging biktima ng tinatawag na ‘kapatiran’.
Ang inang si Maria Jade Rivera, hanggang sa ngayon ay nagdadalamhati pa rin sa pagkamatay ng kanyang 18-anyos na anak na si John Ernest “Joer” Rivera nang dahil sa fraternity war.
February 9, 2018, nang makaabot kay Aling Jade ang isang masamang balita na pinagsasaksak ng mga miyembro ng Young Scorpion Fraternity (YSF) ang kanyang highschool na anak na si Joer.
Sa imbestigasyon ng Makati City Police, alas kwatro ng hapon ng araw na ‘yun nang nagtungo sa eskwelahan ang grupo ni Joer upang sunduin ang isa pa nilang kaibigan.
Pauwi ng kanilang barangay ay tinambangan umano ang grupo ng biktima ng mga miyembro ng Young Scorpion Fraternity.
Ang rambol, nakunan ng CCTV camera ng barangay kung saan makikitang kahit tirik ang araw ay walang pakundangang pinaghahabol ng nasabing fraternity si Joer at mga kaibigan nito.
Ayon sa imbestigador ng kaso na si SPO3 Dominador Robles, hindi bababa sa anim na miyembro ng YSF ang humabol at sumaksak kay Joer.
Sinubukan pang isugod sa ospital si Joer subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Base sa autopsy, limang malalaking tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang kumutil sa buhay ng binata.
Hindi inaasahan ni Aling Jade na bangkay na niyang makikita si Joer nung hapon iyon. Subalit ang mas masakit pa sa ina, hindi raw pala talaga ang kanyang anak ang tunay na puntirya ng Young Scorpion.
Ang tunay na target ng mga miyembro ng fraternity na suspek sa pamamaslang, alamin, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.