Nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na empleyado ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. matapos ang isinagawang raid noong Biyernes.
Sa paghahalughog ng awtoridad sa tatlong bahay ni Teves, nakumpiska ang iba’t ibang kalibre ng armas, mga bala at hand grenade.
Kasalukuyan pa din nasa Estados Unidos si Teves para sa kanya umanong pagpapagamot.
Nanawagan din noong Biyernes si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kongresista na bumalik na ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Samantala, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan magkaroon ng threat assessment ang Philippine National Police sa bawat lalawigan ngayon papalapit na ang Barangay at SK election.
Sa pananaw ng senador, kailangan bantayan ang komunidad mula sa “political terrosism” na nagiging banta sa mga opisyal at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.
Sa kaso kasi na nangyari kay Degamo, nakumpiska sa mga suspek ang ilang mga high powered firearms na malinaw aniya na plinano ang pagpatay ayon kay Zubiri.
Una nang kinumpirma ni Zubiri na humingi sa kanya ng tulong si Degamo dahil sa natatanggap nitong death threat noong pang taong 2020.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.