Nahaharap sa patong-patong na kaso ang walong kapulisan sa Sultan Kudarat kaugnay sa pamamaril sa tatlong binatilyo noong Disyembre nakaraang taon.
Kahapon, March 13, nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang pamilya ng mga biktimang sina Samanoden Mustapha Ali, 19-anyos, Anshad Ansa, 20, at Horton Ansa Jr. (19) upang magsampa ng kasong murder, planting of evidence, falsification of documents at grave misconduct laban sa mga inirereklamong pulis ng Lambayong Municipal Police Station.
Kinilala ang mga akusado bilang ang dating hepe ng Lambayong police na si Major Jehnameel Toñacao, Staff Master Sergeant Syril Mahaddi, Corporal Elpedio Garlit, Cpl. Joffrey Apalla, Patrolman Nicol Dion Toreja, Pat. Basser Mako, Pat. Mario Rombaoa Jr. at Pat. Roldan Claveria.
Base sa ulat ng Lambayong PNP, sinubukan nilang pahintuin ang tatlong binatilyo sakay ng motorsiklo sa isang checkpoint sa Purok 4, Brgy. Didtaras subalit humarurot ito ng takbo at nakipaghabulan.
Nang bumangga ang kanilang sinasakyan, nakipagpalitan daw umano ito ng putok sa mga awtoridad.
Ayon pa sa mga pulis, narekober nila ang ilang Ilegal na droga, baril, at granada mula sa mga biktima.
Mariin naman pinabulaan ng pamilya ng mga biktima ang alegasyon ng kapulisan.
Kamakailan, sinabi ng pulis at ama ng isa sa mga biktima na si Horton Ansa Sr., na may mga indikasyon na ang kanyang anak at ang iba pang mga biktima ay pinagbabaril nang malapitan.
Base sa ginawang imbestigasyon ng NBI, lumalabas din na dumanas ng torture ang mga biktima bago sila pinaslang.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.