NATATAWA ako na may halong pagka-bwisit sa panawagan ngayon ni DILG Secretary Benhur Abalos.
Kaharap ang mikropono at media ang sabi nya, sumuko at umamin na raw ang mga sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ito ang mahirap kapag ang isang pulitiko by nature, nagsasalita nang walang sapat na karanasan sa kaniyang posisyon. Hindi alam ang utak at galaw ng mga kriminal.
Matagal nang nag-report si Degamo na may mga banta sa kaniyang buhay. Pumalpak dito ang Philippine National Police (PNP). Hindi ginawa ng tama ang threat assessment sa intel na ibinigay ng gobernador.
Alam ng DILG at PNP, high value at high-risk target si Degamo mula nang idineklara ng Comelec noong Oktubre na siya ang nanalong gobernador. Dapat noon palang binigyan na siya ng security detail. Hindi pulis-Negros, bagkus trained na mga personnel ng Philippine Security and Protection Group o PSPG.
Ang siste, ngayon palang nagkakabukingan.
Kung hindi pa napaslang si Degamo, hindi pa magsasagawa ng mga checkpoint sa Negros Oriental. At ngayon palang din mag-iimbestiga ang PNP sa mga police escort na naka-assign kay Degamo.
Alam kaya ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na lima sa anim na police security ni Degamo, absent noong mismong araw na pinatay siya? O, baka ngayon nya lang nalaman.
‘Tsip, isang dura lang ang layo ng tanggapan mo sa opisina ng PSPG. Pagreport-in mo sa’yo ang mga pulis mo. Alamin mo kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang mga high value target at high-risk target. Approach avoidance kung tawagin. Nag-iisip at gumagamit ng kukute.
Tuloy pati si House Speaker Martin Romualdez nagdududa. Highly suspicious daw na biglang nawala ang mga police escort noong araw na yun na dapat sana ay nagpapatupad ng stricter security measure dahil alam nilang may mga banta sa buhay ng opisyal.
Ito namang si Abalos na nasa itaas ng PNP, naghahanap-damay pa. Sagot nya, hindi lang naman daw PNP ang nagbibigay ng seguridad kay Degamo. Nandoon din daw ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Tsk… tsk.
Noong Linggo, nag-deploy na ng mga karagdagang tropa ang AFP sa Negros Oriental. Lumalabas, mayroong breakdown ng law and order sa lalawigan.
Matatandaang tinalakay ko sa programa kong BITAG Live noong Pebrero a-bente otso na security is job number one. Ang pulis dapat nakikita at nararamdam ang presensya sa buong bansa.
Marso a-kwatro pinaslang si Governor Degamo. Malaking sampal ito sa mukha ni Abalos at Azurin. Dapat kasi ang DILG at PNP astig! Hindi puro daldal at paepal!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.