Kritikal ang human resource head ng isang ospital sa Dagupan, Pangasinan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek kahapon, Marso 14.
Nakilala ang biktima na si Bernadette Velasco Abella, 45-anyos, HR head ng Dagupan Doctors Villaflor and Memorial Hospital at residente ng Claudio P. Ordoñez Compound sa Barangay Caranglaan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papasok ng trabaho si Abella alas siyete ng umaga nang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima sa tapat ng kanyang tinitirahan.
Agad isinugod sa pagamutan si Abella kung saan siya ay kasalukuyang inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU).
Samantala, mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang biktima habang tatlo naman sa tiyan.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek gayundin ang motibo nito sa nangyaring krimen.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.