Libo-libong sako ng pekeng harina ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawa nilang raid noong Lunes, Marso 13 sa isang bodega sa Maynila at Quezon City.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga ahente ng NBI ang mga warehouse sa Sampaloc, Manila, at Novaliches, Quezon City na nagrerepack ng mga branded na harina.
Nakumpiska ang mahigit 1,100 sako ng pekeng Washington Gold Hard Wheat Flour na nakalagay sa polypropylene sack o cotton sack kabilang na ang 145 na mga sako na ni-repack at naglalaman ng counterfeit flour.
Nag-ugat ito matapos makatanggap ng reklamo ang kumpanya mula sa kanilang mga bakery customer dahil sa mababang kalidad ng harina.
Sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan nila na mga counterfeit o peke ang nabiling harina ng kanilang mga customers. Agad namang nagsagawa ang operasyon ang mga awtoridad.
Nahaharap sa kasong Republic Act. No. 8293 or Trademark Infringement Act ang nahuling caretaker ng warehouse sa Novaliches.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.