Nakatakdang sampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Act ang pitong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity kaugnay sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.
Sa isang pahayag noong Miyerkules (Marso 15) sinabi ni Justice Spokesman Mico Clavano na nakakita ng mga probable cause ang panel ng mga piskal upang kasuhan ang mga sumusunod na fratmen:
-Earl Anthony Romero a.k.a. Slaughter
-Tung Cheng Benitez a.k.a. Nike
-Jerome Ochoco Balot a.k.a. Allie
-Sandro Dasalla Victorino a.k.a. Loki
-Michael Lambert Ricalde a.k.a. Alcazar
-Mark Muñoz Pedrosa a.k.a. Macoy
-Daniel Delos Reyes a.k.a. Sting
Ayon sa panel, planado at nakilahok ang mga akusado sa pagsagawa ng hazing kay Salilig noong Pebrero 18, 2023, sa Biñan City, Laguna.
Nahantong ito pagkamatay ni Salilig at pinsala naman ang tinamo ng sa isa pang neophyte na si Roi Osmond dela Cruz.
Dalawang magkahiwalay na kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 ang isasampa sa Biñan Regional Trial Court (RTC) laban sa mga respondent.
Si Dela Cruz ang tumatayong complainant sa isang kaso.
Samantala, nagsampa rin ang pamilya ni Salilig at si Dela cruz ng reklamo ng hazing laban sa labing dalawa pang miyembro ng fraternity na nagtatago.
Kabilang din sa mga nagsampa ng reklamo ay sina Alexander Marcelo at Earl Justine Abuda laban sa pitong indicted members at 12 iba pa.
Ayon kay Clavano, isinampa ang parehong reklamo noong Marso 10 kung saan pag aaralan pa ng piskalya kung iaakyat din ang mga ito sa korte.
Recent News
BAGUIO CITY – Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro Tengco today
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said it has closed a losing Casino
DAVAO DE ORO – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) recently inaugurated two socio-civic
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.