Umiskor ng technical knockout (TKO) victory ang undefeated Filipino boxer na si Charly Suarez kontra sa kapwa Olympian at wala pang talo na si Paul Fleming sa kanilang bakbakan na ginanap sa Kevin Betts Stadium sa Sydney, Australia kahapon, Marso 15.
Isang matalim na left hook ang pinakawalan ng 34-anyos na si Suarez (15-0, 9 knockouts) upang pataubin ang Australian boxer na si Fleming (28-1-1 18 KO’s) isang minuto ang natitira sa ika-12 round ng kanilang laban.
Sinubukan pang tumayo ni Fleming subalit pinaulanan ito ng mga kombinasyon ni Suarez dahilan upang itigil na ng referee sa ika-1:58 marka ang laban.
Sa kanyang pagkapanalo, nakuha ni Suarez ang regional titles sa IBF, WBC at WBA. Bukod dito, umarangkada din ang kanyang ranking sa mga nabanggit na sanctioning bodies.
Ito ang ikalawang laban ni Suarez sa labas ng bansa kung saan una na niyang tinalo ang Indonesian boxer na si Defry Palulu noong Disyembre nakaraang taon sa Vietnam.
Mula San Isidro, Davao Del Norte, si Suarez ay three-time Southeast Asian Games gold medalist na inirepresenta ang bansa noong 2016 Rio Olympics.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.