Patuloy na nakakaapekto sa mga residente ng MIMAROPA at Western Visayas ang perwisyong dulot ng oil spill matapos lumubog ang MT Princess Empress.
Umabot na sa 143,713 na residente ang apektado kung saan karamihan dito ay mga mangingisda, resorts owner at mga residenteng nakatira malapit sa baybayin.
Para sa mga may-ari ng resort, halos lahat ng kanilang bisita sa darating na mahal na araw nagkansela na ng kanilang booking.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nagdeklara na sila ng State of Calamity sa 10 siyudad at municipalities.
Patuloy naman ang isinasagawang pangongolekta ng langis ng Philippine Coast Guard. Nagdeploy sila ng oil spill boom at skimmer sa paligid ng lumubog na MT Princess Empress.
Mahigit 6,000 litro ng langis at tubig at may halong contaminated materials ang nakolekta sa isinagawang paglilinis sa oil spill site sa Oriental Mindoro.
May kabuuang 1,071 sako at 22 drum ng basura ang nakolekta sa 13 apektadong barangay sa Naujan, Bulalacao at Pola, Oriental Mindoro simula noong Marso 1.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.