Binigyan ng permiso ng Supreme Court (SC) si Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa na makalabas ng bansa mula March 13 hanggang April 1, 2023.
Ayon sa First Division ng SC, pinayagan si Ressa na pumunta ng Canada, France, South Korea at United States para dumalo sa kanyang ‘speaking engagements’ sa ilang mga kondisyon.
Sinabi ng SC na hindi maaaring pag usapan o magbigay ng anumang komento sa publiko si Ressa ukol sa kanyang kasong libelo gayundin ang ilan pang mga bagay na kaugnay dito.
Kasama naman sa kaniyang pag-alis ay ang cash bond na P100,000.
Bukod dito, dapat ding ipaalam ni Ressa sa SC ang kanyang pagbabalik sa bansa sa pamamagitan ng liham sa loob ng limang araw bago ang kanyang pagdating.
Matatandaang pinagtibay ng Court of Appeals (CA) noong Oktubre 2022 ang cyberlibel conviction kina Ressa at dating Rappler researcher na si Reynaldo Santos.
Ang naturang kaso ay kaugnay sa isang article na inilabas ng Rappler noong 2012 na nag uugnay sa negosyanteng si Wilfredo Keng sa human trafficking at drug smuggling.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.