Umabot na ang Mindoro oil spill sa mala-paraisong bayan ng Taytay sa Palawan.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsabing nakakuha na sila ng higit 300 liters ng langis sa barangay Casian at Calawag na sakop ng naturang bayan.
Ayon kay PCG-Palawan District Commander, Capt. Dennis Rem Labay, kanilang nakuha ang mga langis noong March 10 at 12.
Ang langis na mabilis na kumalat sa dagat at baybayin ng Mindoro at mga karatig-probinsya ay mula sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress noong Pebrero 28.
KIlala ang Taytay dahil sa isa sa ipinagmamalaki nitong tourist destinations tulad ng Isla Blanca.
Sa nasabing isla isinasagawa ang pamosong island hopping at snorkelling activity dahil sa malawak nitong coral sandbar at coral garden.
Kaya naman ganun na lamang ang pangamba ng mga mamayan sa Taytay dahil sa tiyak na maapektuhan ang kanilang kabuhayan gaya ng pangingisda.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.