PARANG bagong bagay sa ilang mga opisyal ng pamahalaan ang police visibility.
Ngayon palang sila nananawagan. Kaniya kaniya silang palabra sa media. Magpakalat daw ng mga pulis sa mga komunidad at lansangan para maiwasan ang kriminalidad.
Nayanig sila ng husto matapos mapatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Walang presensya ng pulis sa lugar noon. Sa tagal ng panahon, walang ginawang threat assessment ang Philippine National Police (PNP).
Dismayadong ibinunyag ni Sen. President Migz Zubiri noong Sabado, taong 2020 pa pala nagsabi ang pobreng gobernador sa PNP na may mga banta na sa kaniyang buhay. Noon pa rin sya humihiling na dagdagan ang kaniyang security detail.
Hindi na bago sa BITAG ang katagang police visibility. Police visibility is crime prevention and crime deterrence.
Dapat ang pulis nakikita at ramdam sa buong bansa. Madaling hanapin, madaling puntahan, madaling dumating. Matagal ko na itong panawagan sa ating pamahalaan.
Kapag kalat ang mga pulis sa mga lansangan at komunidad, magdadalawang-isip muna ang mga kriminal bago nila isagawa ang kanilang krimen.
Kapag nakikita ang presensya ng mga pulis, ang mga mamamayan may kasiguraduhan at kapanatagan. Tulad ng mga US COPS na idinodukumento namin sa Estados Unidos.
Ang hubo’t hubad na katotohanan, sa Pilipinas ang mga pulis dumarating nalang kapag tapos na ang krimen at may patay na. Sa salitang ingles, picking dead bodies.
Mabuti pa ang bagong upong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Gen. Edgar Alan Okubo alam ang ginagawa.
Unang direktiba nya sa mga pulis, bumaba sa mga komunidad. Ipakita at iparamdam ang presensya. Hindi ang komunidad ang maghahanap at pupunta sa mga pulis. ‘Yan ang NCRPO chief! Milya-milya ang layo kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na gusto yatang maging pastor.
Sino ba naman ang matutuwa. Sabi ni Azurin, dapat respetuhin daw natin ang human dignity. Huwag daw takutin ang mga kriminal at dapat bigyan sila ng second chance.
Gen. Azurin, Sir, mawalang galang lang ho. Hindi ganun mag-isip ang mga kriminal.
Kung kay Vice President Sara Duterte ‘yan may ‘bayag’ sya para sabihing “no mercy to criminals.” Hindi dapat kinakaawaan ang mga kriminal.
Hindi na ako magtataka kung bakit sunod-sunod ang mga pag-atake at pagpatay sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan. Tingnan nyo nalang ang nasa itaas. Sino ba ang mga nakaupo at namumuno sa DILG at PNP?
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.