KAMING magkakapatid na T3, ako, si Raffy at si Erwin, iisa ang dugo na nananalaytay sa amin. Serbisyong Tulfo, Tulong Tulfo, Tatak Tulfo.
Malambot ang puso namin sa mga inaapi at inaabuso.
Marunong kaming umunawa, maawa, tumayo at magtanggol.
Madali kaming lapitan, madali kaming takbuhan at madali kaming umaksyon.
Kaya nakakagalit kapag ang mga pobreng manggagawa lumalapit sa amin at isinusumbong ang mga putres nilang mga employer.
Araw-araw dinadagsa kami sa aming BITAG Action Center. Ang mga nagrereklamo at nagsusumbong galing sa Metro Manila at sa mga malalayong probinsya.
Hinaing nila, hindi na nga sila pinapasahod ng maayos at tama, ninanakawan pa sila sa kanilang mga kakarampot na sweldo.
Kaya tama lang ang isinusulong ni Senator ‘Tol Raffy Tulfo na panukalang Senate Resolution No. 476. Ito ‘yung resolusyon para rebuyuhin at pag-aralang maigi ng Wage Board ang kasalukuyang minimum wage ng mga kababayan natin sa buong bansa.
Tama nga naman. Dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin o inflation kung tawagin, dapat makasabay ang sweldo ng mga pobre nating manggagawa sa gastusin.
Sa madaling sabi, gusto ni Sen. ‘Tol Raffy na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa partikular ‘yung mga kinikita kada araw ay nasa range ng P533 hanggang P570 lang sa NCR, at mas mababa pa sa mga probinsya.
Ang nakakabwisit na hubo’t hubad na katotohanan, marami pa ring mga employer ang hindi sumusunod sa mga batas at patakaran ng bansa ukol sa tamang pasahod. Marami pa rin ang mga nandaraya at nagnanakaw sa mga empleyado.
Nakasulat sa payslip binawasan ng SSS, PhilHealth at PAG-IBIG pero ang nalikom nilang kontribusyon, kinukupit. Hindi nireremit sa gobyerno.
Kapag tinawagan namin, saka lang magkakabukingan. ‘Yung pobreng empleyado na kinaltasan sa loob ng maraming buwan at taon wala nang napakinabangan. Dahil sa katarantaduhan ng mga amo.
Sana hindi natutulog sa pansitan ang Department of Labor and Employment (DOLE). Mandato at hurisdiksyon nyo ang kapakanan ng mga manggagawa. Ito ang dapat nireresolba ninyo.
Baka kasi pakuya-kuyakoy lang kayo dyan, pahilik-hilik habang nagpapalamig sa mga aircondition ninyong opisina. Sarap talaga ng buhay. Tsk…tsk!
Listo kayo. Tugunan n’yo ang mga hinaing ng mga simple at pobreng manggagawa.
Sige Senator ‘Tol Raf, isulong mo lang ‘yan sa Senado.
Ako naman sa BITAG Live at #ipaBITAGmo, bubulabugin ko ang DOLE at iisa-isahin ko ang mga putres na mga employer.
Aaraw-arawin ko silang pareho na para tayong mga bakulaw sa kanilang mga balikat para umikot ang kanilang mga tumbong at makuba sa kanilang panggagantso.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.