Tinanggihan muli ni House Speaker Martin Romualdez ang apela ni Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves na dalawang buwang leave of absence sa Kamara.
Sa halip, hinikayat niya si Teves na umuwi na at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Una nang sinabi ni Romualdez na nakausap niya sa telepono si Teves at sinabi na wala siya dapat ikabahala para sa kanyang seguridad.
Inumpisahan na din ng House Ethics Committee ang pagdinig kung kailangan bang suspindihin o sibakin ang mambabatas dahil sa pagsuway nito sa utos ni House Speaker Romualdez.
Matatandaang si Teves ay itinuturo bilang isa sa utak sa likod nang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Samantala, Pinakawalan naman ang dalawang aide ni Teves matapos hindi sila makitaan ng mga ebidensya nauugnay sa mga nakumpiskang loose firearms.
Idinagdag naman ng Philippine National Police sa kaso ang dalawang anak ng Kongresista na sina Kurt Matthew at Axl.
Ayon kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, sasamphan sila ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang dalawang anak ni Teves.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.