WALA pa akong naririnig kay DILG Secretary Benhur Abalos na paghikayat sa mga mamamayan na maging masigasig at mapagmatyag sa kanilang mga komunidad.
Ito ‘yung tinatawag na community vigilance o pakikibakas at pagtulong ng publiko sa mga alagad ng batas.
Turuan ang publiko na maging paladuda sa lahat ng mga pumapasok sa kanilang mga barangay, munisipyo, distrito, probinsya at rehiyon.
Kilusin at sanayin sila na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang krimen bago pa man ito mangyari. Dapat listo dito ang mga lokal na pamahalaan partikular ang mga barangay na nagsisilbing multiplier force.
Subalit hindi magiging epektibo ang community vigilance kung walang presensya ng Philippine National Police (PNP). Sa salitang ingles police visibility.
Mahalagang maramdaman ng mga mamamayan na ang mga pulis ay madaling hanapin, madaling lapitan, madaling pagsumbungan at madaling rumesponde. Ito ang dapat tinututukan at pinagtutuunan ng pansin ni Sec. Abalos at ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin.
Buhayin ang community hotline na pagsusumbungan ng mga mamamayan. Anumang mali at kahina-hinala sa ibaba dapat makarating agad sa itaas.
Lahat ng mga nakukuhang intel o mga impormasyon sa mga hotline pinag-aaralan at bina-validate. Dapat aktibo at mayroong information at intel sharing sa pagitan ng pulis at militar.
Malaking tulong rin ang paglalagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng mga lansangan. Ito ang magsisilbing karagdagang mga mata at tainga sa ibaba.
Ang pinakamahalaga sa lahat. Maglaan ng sapat na budget sa communication infrastructure na kailangan ng mga pulis. Sapat na training at kaalaman sa pagpapatupad ng batas at mga sasakyan na gagamitin sa pagpapatrolya at pagbababa nila sa mga komunidad.
Nagmumukha na akong sirang plaka sa paulit-ulit na pagbibigay-diin sa usaping ito. Maraming mali at problema na dapat ayusin ang DILG at PNP.
Sec. Abalos at Gen. Azurin, huwag ho ninyong hayaan na pamugaran ng mga masasamang loob ang ating mga komunidad. Panahon na para kilusin ang mga mamamayan. Ibalik ang tiwala at kumpyansa sa ating kapulisan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.