NABABAHALA ngayon ang mga opisyal natin sa Kongreso at Senado sa pamamaraan at taktika ng pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Hindi natin sila masisisi sa kanilang mga pagkabahala, takot at walang katiyakan.
Sa kanilang mga isip, kung nagawa kay Degamo, posibleng ganundin ang pamamaraan at taktika ng pamamaslang na gagawin sa kanila.
May karapatan sila at ang sinumang mamayan na mabahala at matakot. Pero hindi ang kanilang mga takot at pagkabahala ang dapat pagtuunan nila ng pansin.
Ang dapat nilang tutukan ay ang bulabugin at yanigin ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) kung papaano maiiwasan ang ganitong uring krimen.
Alam ng mga pulitiko ang ganitong mga sitwasyon.
Kayong mga nakaupo, para naman kayong bago. Pinasok ninyo ‘yang pulitika. Huwag kayong umasta na parang mga ignorante at inosente. This is Philippine politics. Live with it.
Kaya noong nakaraang linggo nagsalita ang ilang mga senador sa media. ‘Yung mga dating takot sa baril, bumibili na raw ngayon ng baril at nagsasanay na sa firing range.
Sa totoo lang, may magagawa ang mga pulitiko at lahat tayong mga mamamayan upang maiwasan ang nangyaring pamamaslang sa gobernador ng Negros Oriental.
Oh, para sa inyo ito, Sec. Abalos at PNP Chief Azurin, isama na natin ang mga pulitiko sa nasyunal at lokal na pamahalaan. Una, paigtingin ang inyong mga seguridad. Kumuha kayo ng mga licensed security na namomonitor ng mga alagad ng batas. Bawal bumuo ng private army.
Pangalawa, paigtingin ang law and order sa inyong komunidad.
Pangatlo, turuan ang komunidad na maging ‘Marites’ at ‘Tolits’ pagdating sa pagbabantay. Mag-set up ng community watch sa pamamagitan ng mga magagalang mata at makakating dila mula sa itaas-pababa sa bawat barangay.
Sa halip na mabuhay sa tsismis at pagbabantay sa buhay ng iba — mga artista, personalidad at pulitiko, magpaka-Marites at Tolits kayo sa pagbabantay sa ating seguridad.
Ispatan at bantayan ang mga pulitikong may mga private army at may mga banta sa buhay. Pakiramdaman kung sino ang bagong lipat na kapitbahay sa mga subdivision at obserbahan ang kanilang mga kilos at galaw.
Kung may makikita kayong tulog at tahimik sa araw pero magala sa gabi, magduda na kayo. Yan ang dapat ninyong bantayan.
Sana magising na ang DILG at PNP. Ito ang isa dapat ninyong paigtingin at tutukan. Community watch o neighborhood watch.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.