Habang tumatagal, pahirap ng pahirap ang sitwasyon ng mga residente ng Polo, Oriental Mindoro.
Ito ang pahayag ni Pola Mayor Jennifer Cruz sa kalagayan ng kanilang bayan sa idinulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
“Parang naging domino effect na po. Lahat affected, tourism hanap-buhay. Lahat po sobrang affected na,” ani Cruz.
Sa pakikipag-usap ni Cruz sa mga eksperto, aabutin aniya ng anim na buwan hanggang isang taon ang oil spill clean up sa karagatan at baybayin.
Kaya naman nanawagan ang mayora na mabigyan ng alternative livelihood program ang mga residente lalo na ang mga mangingisda.
Samantala, binatikos naman ni ACT-CIS Representative Edvic Yap ang kompanya na nasa likod ng lumubog na barko na bigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.
“Napansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda, wala pakunswelo ang kompanya ng barko. Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito”, payag ni Yap.
Sa isinagawang projection ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI), maaaring umabot sa Puerto Galera at Batangas ang oil spill base na rin sa agos ng tubig at ihip ng hangin.
Matatandaang may kargang industrial fuel oil ang lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero 28.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.