Nabulgar ang isang uri ng scam o scheming matapos lumapit sa Bitag Action Center ang apat na indibidwal mula Isabela.
Ginamit umano silang mga “locator” ng nagpakilalang contractor daw ng DITO Telecommunity.
Bilang mga locator, sila umano ang bahala na maghanap o mag-recruit ng mga landowners sa Isabela upang upahan at gawin cell site tower ang kanilang lupa sa loob ng sampung taon.
Panghihikayat ng mga locator, maaari umanong kumita ang mga land owners ng P3-5 milyon (lump sum) sa loob ng sampung taong lease.
Subalit bago upahan at tayuan ng tower ang kanilang lupa, kailangan muna nilang magbayad ng P60,000 bilang processing fee.
Ngunit matapos makapag bayad, ni-isang tower walang naitayo ang DITO.
Nagbigay ng opisyal na pahahayag si Bryan Gaspar, Site Acquisition manager ng rehiyon at tahasang itinanggi na kanilang tauhan ang nagre-recruit sa mga sinasabing locator.
Ngayon, ang mga locator ang siyang naipit at hinahabol ng mga land owners.
Ang apat na locator na lumapit sa BITAG, nakapag-recruit ng 130 na mga land owners na aabot sa P7.8 milyon.
Sinubukan din aniya nila na magsampa ng kasong Syndicated estafa sa contractor, subalit na-dismiss ito ng korte.
Abangan ang IMBESTIGASYON ng BITAG sa eskandalong ito, bukas sa #ipaBITAGmo sa IBC 13 simulcast sa CLTV 36, 10:30-12NN.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.