Hinimok ni Senador Francis Tolentino nitong Lunes ang National Bureau of Investigation na tingnan ang doktor na umano’y tumanggi na magbigay ng tulong medikal sa umano’y biktima ng hazing na si John Matthew Salilig.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Tolentino na batay sa affidavit ng isa sa limang suspek sa kasong Salilig na boluntaryong sumuko sa NBI na si Ralph Benjamin Tan alyas “Scottie”, tumanggi ang doktor na tulungan si Salilig.
“Nu’ng araw po na ‘yon, nung alas nueve ng gabi, ‘yung kasama ni Salilig na si Lee ay sinundo ng kanyang pinsan na isa ring doktor. Buhay pa po nito si Matthew subalit tinanong ni Ralph Benjamin Tan si Lee kung pwede tumulong yung kanyang pinsan na doktor para asistihan si Matthew. Ang sabi po ng doktor hindi pwede,” saad ni Tolentino.
Ayon kay NBI agent Joseph Eufemio Martinez, hinahanap pa nila ang pagkakakilanlan ng doktor.
“We are already trying to identify the person involved, the doctor. Apparently, si Ralph Benjamin Tan he cannot identify kung sino talaga yung doktor. So we are trying to pursue other information kung san po namin ma-identify yung doktor,” saad ni Martinez.
Habang nangako ang ahente ng NBI ng karagdagang aksyon sa usapin, sinabi ni Tolentino na dapat kasuhan ang doktor dahil sa paglabag sa Hippocratic Oath.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.