Balak ipatawag ni Cong. Irwin Tieng sa Kongreso ang mga may-ari at opisyal ng Security Bank hinggil sa mga anomalya sa kanilang digital banking.
Si Tieng ang Chairman ng Committee on Banks and Financial Intermediaries at pangunahing author ng House Bill 7393 o ang isinusulong na Financial Account Regulations Act.
Kaninang umaga, dumating sa tanggapan ng mambabatas ang labing isang depositor ng Security Bank. Lahat sila, nawalan ng malalaking halaga ng pera sa kanilang online account ng hindi nila nalalaman.
Ayon kay “Ella,” ayaw magbanggit ng tunay na identidad, tinawagan sya ng isang nagpakilalang empleyado ng Security Bank noong Setyembre 2, 2022. Pagkatapos ng tawag, nawala na ang ipon nilang P1.3 milyong piso.
“May tumawag sa akin na nagpakilalang taga Security Bank. Sabi nya, kailangan daw naming mag-migrate from old online app to new app. So, I received 13 OTPs, binigay ko sa kaniya. Then after that, wala na yung P1.3 million sa account ng Mama ko. 13 transactions lahat,” kwento ni Ella.
Ganito rin nangyari kay Anne Maxwell Na-transfer ang kaniyang P500,000 nang wala siyang ginagawang withdrawal.
“It happened last February 14 this year. May tumawag sa akin, taga Security Bank daw sya. Alam nya lahat ng information at bank balance ko. Even my last transaction alam nya. I was told na ibigay ko daw ang OTP sa kaniya purposely for account migration. Tapos naka-receive nalang ako ng OTP sa phone ko na may ongoing transaction nga ako amounting to P500,000. Dun na ako kinabahan.” salaysay ni Anne.
Ayon ka Tieng, iisa ang estilo ng mga nagpapakilalang empleyado ng nasabing bangko. Kilala rin daw nila kung sino ang kanilang tatawagan.
“Nakakapagtaka, itong mga tumatawag alam nila lahat ang mga impormasyon ng kanilang target victim, ang updated contact number, ang bank balance pati ang last transaction. Magsasagawa tayo ng pagdinig ukol dito.” pahayag ng Kongresista.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 135 ang bilang ng mga nagrereklamo sa BITAG ng kaparehong kaso laban sa Security Bank.
Planong magsagawa ng congressional hearing ni Cong. Tieng sa mga susunod na linggo para kwestyunin ang Security Bank sa sistema ng kanilang electronic transfer at mai-refund ang pera ng mga biktima. Kasabay na ring iimbestigahan ang kaparehong anomalya sa digital banking ng Union Bank.
“Sa Union Bank, meron tayong 127 complainants. Ang maganda sa Union Bank ni-refund nila ang pera ng kalahati ng mga nagrereklamo,” saad ng mambabatas.
Samantala, pumasa na sa second reading ang House Bill 7393 at ang House Bill 7446 sa Kongreso kahapon. Layunin ng dalawang panukalang batas na i-regulate ang mga financial account at mai-promote ang transparent governance sa bawat operasyon ng mga bangko at financial institution.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.