Lumutang sa Biñan police ang doktor na idinadawit sa fraternity hazing na ikinamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig.
Matatandaan sa senate hearing noong lunes, tinanong ni committee chairman na si Senador Francis Tolentino kung naalam na ang doktor na tumanggi umanong tignan ang biktima.
Ayon sa salaysay ng isa sa mga suspek, nanghingi umano ito ng tulong sa doktor na pinsan ng isa nilang kasamahan ngunit tumanggi itong tumulong.
Kinumpirma naman ng doktor na siya ang tinutukoy sa pagdinig. Ayon sa kanya, nasa bahay siya at nagpapahinga sa duty sa ospital nang tawagan siya ng kanyang pinsan para sunduin siya.
Ayon sa salaysay ng doktor na nanggaling sa ABS-CBN ““Noong kausap ko siya parang may nagtanong na kausap ko na kung may tao na mawalan ng malay ano maganda gawin, ano dapat gawin,” Saad ng doktor.
nagpayo naman ito na dalhin na sa ospital ngunit nagulat siya sa sinabi ng isa sa mga suspek na tumanggi ito na tulungan si Salilig.
“Yung reaction ko nung napanood ko nga ‘yung ano, ‘yung hearing nila sabi ko ha? Bakit sinasabi na may doktor daw nakita na harap-harapan ‘yung biktima, which is si Matthew, na hindi tinulungan. So unang-una hindi ko nakita si Matthew at ‘di rin ako bumaba ng sasakyan ko. Sinundo ko lang pinsan ko,” dagdag pa nito.
“Parang taliwas doon sa kwento na lumalabas sa hearing na nasa harapan ko raw ‘yung taong naghihingalo, na hindi ako gumawa ng kahit na anong first aid or medical treatment kasi wala akong nakitang pasyente na nakahandusay.” Dagdag pang sinabi.
Handa naman ang doktor na humarap sa senado at magbigay ng pahayag sa NBI kung kinakailangan.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.