Inireklamo ng isang grupo mula Isabela ang panloloko umano sa kanila ng isang nagpakilalang Engineer at may-ari ng B. Bautista Construction na si Felido Bautista.
Taong 2020, nang magtrabaho sila bilang mga “locator” sa kumpanya ni Bautista. Sila ang maghanap at manghikayat ng mga landowners na patatayuan ng cell site tower ang kanilang lupa.
Ngunit matapos makapagbayad ng P60,000 hanggang P100,000 bilang processing fee ang mga landowner, walang daw naipatayo kahit isang tower ang kumpanya ni Bautista.
Kaya naman ang mga locator ang hinahabol ngayon at binabantaan sasampahan ng kaso ng mga pobreng landowners.
Kanina sa public service program na #ipaBITAGmo, nakausap ni Ben Tulfo ang inerereklamong si Bautista.
Depensa ni Bautista, hindi umano sa kanya napunta ang mga ibinayad ng mga landowners.
Nilinaw naman ng mga locators na ibinigay nila sa isang Arlene Balbin, Regional Coordinator ni Bautista ang bayad ng 130 na landowners na umabot sa halagang P7.8 milyon. Inamin din ni Bautista na tauhan niya si Balbin.
“Sir, nirereklamo po ang inyong regional coordinator, gusto nalang po nila na marefund ang pera, total hindi naman napakinabangan ang pera, pwede ba nilang ma-refund na lang ang pera,? tanong ni Tulfo kay Bautista.
Sumagot si Bautista at sinabi na maaari nilang makuha ang refund basta’t kumpleto ang mga papeles at ang acknowledgement receipt.
Sa huli, nangako si Bautista na handa niya harapin ang mga nagrereklamo at ma-refund ang kanilang pera.
“Lamang sir na kayo ay nakikiusap sa kanila, sasamahan po namin sila para magkaroon po kayo ng magandang ugnayan, para all ends well,” wika ni Tulfo.
Muli nagbabala si BITAG na huwag basta maniwala sa mga umiikot at nag aalok na uupahan ang kanilang lupa na pagtatayuan ng mga cell site tower.
Ano man reklamo tulad nito huwag mag atubiling lumapit sa #ipaBITAGmo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.