Inilabas sa kauna-unahang pagkakataon ang underwater images ng lumubog na tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Natagpuan ang tanker sa pamamagitan ng remotely operated vehicle (ROV) ng Japan. Pinaniniwalaan na nasa lalim na 400 meters ang lumubog na tanker.
Patuloy pa din nagsasagawa ng mga hakbang ang mga awtoridad upang mapigilan ang pagkalat ng langis mula dito.
Samantala, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakitaan nila ng mababang antas ng contaminants ang mga nakuhang isda mula sa karagatan na naapektuhan ng oil spill.
Gayunpaman, binanggit ng BFAR na ang mga resulta ng mga pagsusuri ay hindi pa conclusive o pinal kung ligtas itong itong kainin.
Nangako ang BFAR na regular nilang susuriin ang mga sample ng tubig at isda sa mga apektadong karagatan dulot ng oil spill.
Lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28 na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial oil na nakakaapekto sa 143,000 na residente sa Mindoro, Palawan at Antique.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.