Mismong si President Bongbong Marcos na ang naghikayat kay Congressman Arnie Teves na umuwi at harapin ang lahat ng issue ukol sa kaniya.
Tahasang tiniyak din ni Marcos ang seguridad ni Teves na idinadawit ang pangalan sa pag-ambush kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
“May private jet ka naman, maglanding ka kung saan mo gusto. Sa Airforce base, mag-landing ka sa Basa (Air Base). Papaligiran natin ng sundalo walang makalapit ng isang kilometro. So, that will guarantee his security,” ani Marcos nang harapin ang media sa Fort Bonifacio.
Ibinunyag din ni Marcos na base sa kanilang intelligence report, walang banta sa buhay ni Teves.
“The best intelligence we have is we don’t know of any threat. Saan manggagaling yung threat?,”: ani Marcos.
Lumutang ang pangalan ni “Cong Teves” matapos siyang ikanta ng mga suspek na siya umano ang nag-utos sa kanila na paslanging si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Dagdag pa ng mga suspek, na wala silang alam na si Degamo pala ang target ng assassination plot.
Nanindigan naman ang kampo ni Teves na wala siyang kinalaman sa naging pamamaslang kay Gov. Degamo, gayundin sa iba pang krimeng ibinabato sa kanya.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.