SIGURADONG nagkakamot ngayon ng ulo si DILG Bida este DILG Sec. Benhur Abalos.
Habang si Cong. Arnie Teves, ayun nasa labas pa rin ng bansa. Kumakasa. Pangisi-ngisi lang.
Kaya ang kaniyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, ninanamnam ang limelight. Kuntodo porma sa harap ng mikropono at kamera.
Ito namang Ethics and Privileges Committee ng Kongreso pasikat. Nagbigay ng ultimatum, dapat daw lumutang na si Teves hanggang 4:00PM ng hapon kahapon. Goodluck!
Ang totoo, hanggang aspetong administratibo lang naman ang Kongreso. Pwede nilang suspendihin si Teves pero hindi sya pwedeng i-expel dahil siya ay elected official. Maliban na lamang kung may matibay na ebidensya na sya ang utak at nasa likod ng pagpatay kay Gov. Degamo.
Ang problema, hanggang ngayon puro ngawa lang sa media ang DILG, PNP at NBI. Ang inginunguso lang nilang pangunahing suspek, si Teves. Pero ebidensya, wala.
Walang state witness. Walang direktamenteng nagpapatunay na si Teves ang nag-utos sa kanila. At walang matibay na ebidensya na magdidiin sa kongresista.
Sa mga nakaraang kaso na inimbestigahan ng BITAG mayroong tinatawag na “project.” Kadalasan ito ay ‘yung mga assassination, kidnapping for ransom (KFR) o bank robbery.
Sa bawat project laging mayroong “brain” o utak. Siya ang nagpa-plano ng lahat. Depende sa project pero kadalasan, ang isang malakihang project ay binubuo ng 12 miyembro pataas.
Kapag buo na ang plano, magpopondo na ang “financier.” Maaaring ang mismong brain na rin ang financier pero minsan, third party. Pera, sasakyan, kagamitan lahat ng mga kakailanganin ng grupo siya ang bahala.
Lahat ng mga makakasama sa project dadaan sa recruitment process. “Recruiter” ang tawag doon sa maghahanap ng mga tao at makakasama. Sa mga na-recruit, mayroong tinatawag na first layer at second layer.
First layer sila ‘yung mga titira. Kung sa assassination, sila ang mga papatay. Ang second layer naman ay ‘yung mga haharang sa mga magsasagawa ng hot pursuit operation.
Ibig sabihin maraming layer. Sakaling mahuli ang first layer o second layer, mahihirapan o hindi nila maituturo kung sino ang utak ng krimen.
Sa pagpatay kay Gov. Degamo, gusto kong malaman kung mayroon nga bang first layer o second layer ang grupo.
Kahapon, nagsalita si DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla sa media. Mayroon na naman daw apat na mga nag-surrender. Itong mga sumuko daw ay mga “major player” sa pagpaslang sa gobernador. Kung sila man ang first layer o second layer na tatayong state witness, hukuman na ang magde-determina sa ipi-presinta nilang mga ebidensya.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.