Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagsibak sa serbisyo sa isang pulis na dawit sa nasabat na P6.7 bilyon halaga ng shabu sa Maynila noong Oktubre nakaraang taon.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, inaprubahan ni Azurin noong Marso 6 ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na sibakin sa serbisyo si Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. dahil sa grave misconduct at conduct of unbecoming.
“The dismissal order of Sgt. Mayo is now for implementation after it was signed by the Chief PNP. He will receive nothing. All of his privileges as police are gone. His retirement benefits are all forfeited,” wika ni Fajardo.
Si Mayo ay isang dating intelligence operative ng PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG).
Siya ay naaresto matapos mahulihan ng dalawang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quiapo, Manila noong Oktubre 2022 .
Ilang oras bago ang kanyang pagkakaaresto, nasa 900 kg ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng PNP-PDEG sa isang lending agency na umano’y kanyang pag aari sa Sta. Cruz, Manila.
Kasalukuyang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Mayo habang nililitis ang kanyang kaso kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“He is still in jail while his trial is ongoing in the criminal case for violation of Republic Act 9165, he will remain in the custody of the Bureau of Jail Management and Penology,” ani Fajardo.
Matatandaang ang insidenteng ito ang nag udyok kay Interior Secretary Benhur Abalos noong Enero na manawagan na magsumite ng courtesy resignation ang mga opisyal ng PNP na umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.