Sinagot na ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves ang naging pahayag kanina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa kanyang video na inilabas sa kanyang Facebook page, ipinagbigay alam ni Teves sa Pangulo na noong January 11, 2023 ay nanawagan na siya tungkol sa planong raid sa kanyang tahanan.
“Gusto ko lang malaman niyo na ang isinampang kaso sakin is about the raid conducted in my house na nung January 11 ko pa binanggit sa aking video na nanawagan ako sainyo na magpapatulong dahil alam kong may masama silang gagawin sa bahay ko at tataniman ako ng mga ebidensya. January 11 palang yung Mr. President, yung murder nangyari March 4 or something.”
“Mr. President, gusto ko lang malaman niyo na hindi ko kayo kinokontra sa mga sinasabi niyo o baka hindi lang kayo na-brief ng maigi kaya sinabi ko na may treat sa akin dahil noong January 11 palang binanggit ko na ito sa presscon namin ni Atty. Topacio na may balak silang i-raid ang bahay ko at nangyari nga. Yun talaga ang kinakatakot ko Mr. President kaya hindi ako umuwi,” dagdag pa ni Teves
Sinagot din Teves ang tungkol sa pagkakasangkot niya sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at hiling din niya na makausap sa telepono ang presidente.
“As I’ve said naisama ako sa mga iniimbestigahan, ang nire-request ko lang sir sana wag ako lang. Dapat lahat ng anggulo tignan. Ang nangyari kasi Mr. President pagkatapos ng murder ako na agad ang tinumbok. Yun lang ang pakiusap ko sir”
“Kung matawagan ko man kung anong number ng tauhan mo, baka pwede kay boss Anton para lang makausap ko kayo Mr. President kung okay sa inyo, again nirerespeto ko kayo ng sobra.”
Handa rin aniya si Teves na sumunod sa utos ng presidente na umuwi na ng bansa.
“At kung kayo ang humiling na umuwi ako, mas mahihirapan akong humindi dahil may mas authority kayo na makapagbigay ng proteksyon sa akin. Nanawagan ako muli Mr. President na sana matignan ang lahat ng bagay bagay na ito. Alam kong katulad ng sinabi ko sa video na hindi kayo sasang-ayon na gamitin para sa kapakanan ng iilang tao dyan.”
“Nanawagan ako muli Mr. President na sana matingnan ang lahat ng bagay bagay na ito. Alam kong katulad ng sinabi ko sa video na hindi kayo sasang-ayon na gamitin para sa kapakanan ng iilang tao dyan.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.