Muli na naman dinagsa ng mga Shopee Rider Xpress ang BITAG Action Center, upang ireklamo ang kanilang agency dahil sa hindi umano pagbibigay ng 13th month pay at mga incentives.
Dalawampu’t limang mga riders mula Dagupan at Bayambang Pangasinan ang bumiyahe upang idulog ang kanilang hinaing sa agency na Placer 8 Logistics Express Incorporated.
Matatandaan na ito din ang agency na kinalampag ng BITAG noong nakaraang Enero matapos silang ireklamo ng mga riders mula Taguig City. Nakipagtulungan at binayaran naman ng nasabing ahensya ang mga riders.
Pero sa pagdagasa muli ng mga panibagong grupo mula Pangasinan, nalagay na naman ang Placer 8 sa alanganin.
Ayon sa mga riders, pinapa-asa lang umano sila ng nasabing agency, kaya humingi na sila ng tulong sa BITAG.
Agad na tinawagan ni Mr. Ben Tulfo ang Placer 8 at nakausap ang kanilang Workers Management Analyst na si Jaffy Luison.
Sinabi ni Luison na pinoproseso na nila pagbabayad sa kanilang mga naging riders.
Pansamantala munang panghahawakan ng BITAG ang pangako at magiging aksyon ng Placer 8.
Makipag-ugnayan din ang BITAG sa Department of Labor and Employment sa Region 1 para sa kasong ito.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.