Nadiskubre ang 23 butas kung saan lumalabas ang mga langis ng MT Princess Empress.
Ito ang nakita ng remote operating vehicle (ROV) na ginamit upang mahanap ang nasabing oil tanker.
Ayon sa mga opisyal, nagkaroon ng mga butas ang barko nang dahil sa tumitinding water pressure habang ito ay papalubog.
Bukod sa mga maritime peratives ng bansa, nagpadala na din ng maritime experts ang Japan at United States.
Naglatag na ang mga ito ng tatlong stratehiya kung paano mapipigilan ang pagkalat ng langis.
Unang option, ay ang paglagay ng special bag sa mga mga butas barko.
Pangalawang option ay ang pag welding sa mga butas o crack sa barko.
At ang pangatlo, paggamit ng heating method kung saan palalabnawin ang langis upang madaling itong ma-extract.
Wala naman sa plano ng mga awtoridad na i-angat ang barko, dahil possibleng itong magdulot ng mas malaking pinsala.
“Because of the pressure, it might break, so kung mabibiyak siya, it will be a disaster to all” ani Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor.
Samantala sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kailangan magkaroon pa ng task force para sa isinasagawang oil spill cleanup.
Kumpleto na aniya ang mga ahensyang na tutulong sa maglilinis at tutulong sa mga apektado mamamayan.
“The task force for the oil spill is the coast guard,” Marcos Jr. told reporters in a chance interview. There is no need to reorganize something for everything… The idea is to have the assets in place, so they are ready already as it is,” pahayag ni Marcos.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.